Aminado si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na nag-aalala siya ngayon para sa kanyang pamilya sa gitna nang nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist group na Hamas.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang litrato ng kanyang ama na naka-confine sa isang ospital, pati na rin ang ilang screenshots ng naging conversation nila ng kanyang kapatid at step mom na naiipit ngayon sa nabanggit na digmaan sa Gaza.
Sabi pa ng beauty queen, siya ay “heartbroken” sa naging sitwasyon ng kanyang Palestinian family, lalo na’t recently lang siya nagkaroon ng ugnayan sa kanyang biological father.
“This has been a heartbreaking week for so many of us. I’m scared, disturbed, deeply saddened. We can always be doing more,” caption niya. “I’ve been silent regarding the conflict about the war between Israel and Palestine because as some of you may know I recently just kept in touch with my father and my family who is now living in Palestine, Gaza.”
Si Gazini ay pinalaki ng kanyang ina at ng kanyang lolo’t lola dito sa Pilipinas, habang ang kanyang ama naman ay una niyang nakilala nitong January 2020.
Bukod sa pag-aalala sa pamilya, nagpahayag din ng pakikiramay ang beauty queen para sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay na dulot ng giyera.
“I would like to express my deep sorrow for the Israelis who have lost their lives and been injured in the dreadful terrorist attacks,” sabi ng dalaga. “Hamas killing civilians was horrible but Israel countering by killing [10 times] more civilians is beyond insane.”
“I cannot remain silent in the face of the Israeli government’s attempt to seek revenge from innocent civilians for the terrorist attack,” dagdag niya.
“I will not remain silent about this genocide either specially that my family’s life depends on it,” sabi pa ni Gazini.
Sa comment section, makikita na nagpaabot ng dasal ang ilang kapwa-beauty queens.
Kabilang na riyan sina Pia Wurtzbach, MJ Lastimosa, Beatrice Gomez, Steffi Rose Aberasturi, Nikki de Moura, Tracy Perez, Niccole Borromeo, Samantha Bernardo, at marami pang iba.
Magugunitang October 7 nang mag-umpisa ang digmaan sa Gaza matapos magsagawa ng surprise attack ang Hamas at sa loob ng ilang araw, umabot na sa 1,400 Israelis ang namatay dahil sa giyera.