Namatay ang isang 39-anyos na babae nang banggain ng kotse ang sinasakyan niyang motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro nitong Sabado ng gabi.
Nagtamo ng sugat ang asawa at anak ng biktimang nasawi, ayon sa ulat ng pulis.
Pauwi ang tatlo matapos lumahok sa isang vigil sa Barangay Barra Opo nang lumiko sila sa isang intersection at nabangga ng mabilis na Toyota Vios na minamaneho ng umano’y 20-anyos na lalaki.
Tumilapon sa kalsada ang mga naka-motor sa lakas ng pagkabangga sa kanila.
Dinala ang nanay sa Northern Mindanao Medical Center ngunit dumating siya roon na wala nang buhay.