Nagbabala ang pulisya sa isang bagong modus ng pagnanakaw matapos magkaroon ng isang insidente kung saan isang matandang lalaking nakamotorsiklo ang kunwaring magpapatulong sa mga kabataan ngunit tatangayin pala ang hiniram niyang cellphone mula sa mga ito.
Base sa mga ulat, nabiktima na ang dalawang kabataan sa Bustos, Bulacan at ayon sa imbestigasyon, nagpatulong ang matandang lalaki noong Oktubre 11 dahil nasiraan umano siya ng motorsiklo.
Ayon sa biktima, nakiusap ang suspek na itulak ang motor nito hanggang sa may court. Nang matulak ng mga biktima, naayos na ito ng suspek at matapos nito ay nakiusap ang matanda na tulungan siya ng mga biktima na maghakot ng upuan at lamesa.