Sabi na nga ba’t magkakablikan din sina Kris Aquino at Mark Leviste.
Umapir sa krisaquinoworld Instagram page ang photo kung saan kasama ni Kris si Mark at si Kim Chiu.
Sa caption, aminado si Kris na muli silang nagkaroon ng chance ni Mark na magkabalikan.
“All I can say is i love you, I super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW 🌈… I’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Dina may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left,” say ni Kris patungkol kay Kim.
“The person Kim Chiu kimmy’s ate contacted to clowns vice gov MARK LEVISTE- we’ve both learned from our mistakes… with God help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you Bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment,” dagdag pa niya.
Sa huli ay nagpasalamat si Kris dahil sa suporta ng kanyang mga followers na aniya ay malaking tulong sa kanyang paggaling.
“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That’s because of the power of our collective prayers. God’s rewarding our #faith. Roughly 15 more months of treatment, but I’m alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful,” say niya.
***
Follow up ito sa nasulat naming recently na nabenta ng isang former flight attendant na si Abegail Rait ang jersey ni Francis Magalona sa halagang P500,000.
Naging controversial ang pagbebenta ni Abigail ng jersey ni Francis dahil itsinika niyang nakarelasyon niya ang Master Rapper at nagbunga ang kanilang romance ng isang anak na babae, si Gaile Francesca.
Nagpakita pa si Abigail ng ilang photos kasama si Francis at ang kanilang anak. Itsinika rin niya kung paano sila nagkakilala ni Francis. Nagkita sila sa isang noontime show at doon ay kinuha ni Francis ang kanyang number. Hanggang sa nagkaroon daw sila ng relasyon.
Nabili kay Abegail ang jersey ni Francis for P500k sa ‘Pinoy Pawnstars’ ni Boss Toyo. Isasama ito ni Boss Toyo sa kanyang museum.
Sa latest episode ng ‘Pinoy Pawnstars’, nagpakita ang isang fan ni Francis Magalona na si Marvin. Bumisita siya para bilhin ang Francis Magalona jersey for 8 million pesos. Kasama na sa mount ang tatlong shirts at ang jersey.
Pero ang nakakaloka rito, tinanggihan ni Boss Toyo ang offer kahit na obvious na kikita siya ng P7.5 million dahil nabili lang niyaito kay Abigail ng half a million pesos.
Pera na, naging bato pa. Iba ka talaga Boss Toyo.
***
Maiinit ang pagtanggap ng viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Loveteam na DonBelle sa pilot episode ng “Can’t Buy Me Love” nitong Lunes (Oktubre 17) na nakakuha ng 454,413 live concurrent views at nanguna sa X (dating Twitter) trending list nationwide.
Ayon kay Donny, mas challenging ang roles nila rito at kakaiba sa mga dating ginampanan nila.
Say ni Donny, “Ang daming bago talaga. Ang question talaga kung anong similarities and there are so many new things na hindi niyo pa nakikita sa past projects.”
Dagdag pa niya, hindi lang kilig ang ipaparamdam ng mga karakter nilang sina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).
“Hindi ito yung typical rom-com. Ang daming genre in one show, may romcom, drama, mystery. Ang dami mong emotions na mafe-feel and marami ka rin questions na gustong malaman every episode, saad niya.
Para naman kay Belle, ituturo ng kwentong ito kung bakit hindi talaga mabibili ang pag-ibig.
“You can’t buy love. You can buy happiness, but you can’t buy everything. You can only find true happiness in yourself and the people surrounding you,” sabi niya.
Samantala, hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show din siya sa Netflix Philippines.
Sa pilot episode, nakita ng viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata ito. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao.
Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya. Samantala si Bingo naman ay kinupkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga.
Unang magtatagpo ang landas ng dalawa sa engagement party ng kapatid ni Caroline na si Bettina (Kaila Estrada). Pumunta nga si Caroline dito at nagsuot ng itim para ipaalala ang death anniversary ng ina samantala gusto naman i-present ni Bingo ang kanyang ideya kay Wilson.