Nitong nakaraan ay nabash pala ang aktres na si Julia Montes dahil umano sa pahayag nito kaugnay sa isyu ng panloloko o cheating.
Nitong mag-guest kasi si Julia sa “Magandang Buhay”, natanong ang dalaga kung kaya niyang ipaglaban ang relasyon kung sakaling umabot ito sa sitwasyon na may cheating involved.
Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pananaw ni Julia Montes tungkol sa cheating.
Base sa mechanics ng kanilang laro ay tatapat ang dalawa sa “Romance” kung kaya pang isalba at “Break Up” naman kung tatapusin na ang relasyon.
Tumapat naman si Julia sa “Romance” na ang ibig sabihin ay handa itong magbigay ng panibagong pagkakataon sa karelasyon sa kabila ng panloloko nito.
Paliwanag ng aktres, kahit na handa siyang magbigay ng pagkakataon ay may limitasyon ito.
“Wala namang perfect. Aminin natin in a relationship mayroon isa or minsan, hindi ko naman nilalahat, ‘di ba, baka dalawa kayong nagkamali for a time. Pero hindi naman necessarily na ‘pag nagkamali sa‘yo, hihiwalayan mo na agad,” saad ni Julia.
Maaari raw kasing baka noong mangyari ang cheating ay may pagkukulang ang isa sa isa.
“Pero kung wala, doon ka na lang magtanong sa sarili mo… Doon naman mag-iiba ‘yung kuwento. Kaya feeling ko ang cheating, ‘pag ilang beses na, too much. Pero ‘pag nadapa, ang mindset ko lang, ‘pag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na? O ikaw pa rin na partner [niya]?” saad ng dalaga.
Subalit may mga netizens ang tila hindi agree sa mga sinabi ni Julia ukol sa “cheating”.
“Never! Cheaters will be always cheaters! The more you give them a chance, the more they will take you for granted. They will hop from one relationship to another. Para yang cancer na mahirap gamutin lalo kung habitual na,” sabi ng isang netizen.
Chika naman ng isa, “Medyo dissapointed ako don sa stand ni julia montes about sa cheating.”
“Cheating is a choice. Huwag mo ng tulungan tumayo hayaan mo siya,” hirit ng isa.
Dagdag pa ng isa, “Nakakaloka mindset ni julia montes about cheating. my ghad! hindi porke may pagkukulang ang isang tao ay may right na para manloko o gumawa ng mali.”