Aminado ang komedyana at vlogger na si Jelai Andres na naka-move on na siya sa naging kinalabasan ng relasyon niya sa kanyang estranged husband na si King Badger at sa isang panayam, inamin rin niya na nag-reach out pa ang kanyang dating asawa.
Ayon kay Jelai, two months ago nag-message sa kanya ang kanyang estranged husband.
“Sabi niya, ‘Super pinagsisisihan ko sa buong buhay ko ‘yung maling desisyon na ginawa ko. Everyday, pinagpe-pray ko kay God na maging mas better ako hindi para sa ibang tao, para sa ‘yo. Hindi ka mapapalitan ng kahit sino’,” saad ni Jelai.
“Totoo pala ‘yung masusuka kang literal kasi ako, sorry a? Sorry. Sorry talaga pero nangyari kasi to,” dagdag niya.
Ikinuwento pa niya na isang beses ay aksidenteng nagkita sila ng kanyang ex-husband at sinundan daw siya nito at nag-hi sa kanyang tenga.
“Ok naman na ako. Masaya na ako sa totoong buhay talaga. Thankful talaga ako kay God na naghiwalay kami. Sabi ko lang sa kanya [ngumiti nang pilit],” lahad ni Jelai. “Naaalala ko ‘yung ginawa niya. Habang nagda-drive ako, sumusuka ako. Hindi pa ako nagbe-breakfast. Tubig ‘yung sinusuka ko. Totoo pala be na masusuka ka. Nasuka talaga ako literal. Sumuka talaga ako.”
Pero niliwanag niya na wala na siyang nararamdamang galit sa kanyang estranged husband kahit pa makita niya ito nang personal.
“Kapag nakikita ko siya, ok na. Kasi super thankful ako talaga. ‘Gusto ko pa rin maging successful ka, umayos ‘yung buhay mo’. Dumating na sa ganon,” sabi niya.
Noong February 2023 lang nang aminin ni Jon na mahal pa rin niya si Jelai sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon.
Matatandaang taong 2015 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa hanggang sa ikinasal na noong 2018.
Noong 2021 naman nang opisyal na silang naghiwalay at kinasuhan ni Jelai ang estranged husband ng Concubinage at Violence Against Women (And Children) dahil sa kasong pakikiapid na nagkaroon umano ng relasyon ang rapper sa ibang babae.