Siniguro ng Department of Trade and Industry na handa umano ang Pilipinas na tumanggap ng mga investments.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, nagsagawa ng isang roundtable meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mga business leaders ng Saudi.
Inihayag ni Pascual na mahalaga ang nasabing pulong sa pagbisita ng Pangulo sa GCC countries para i-promote ang Pilipinas bilang investment destinations partikular sa healthcare, agriculture, energy security at iba pa.
Ayon pa kay Pascual, ang Saudi Arabia ay naghahanap din ng mapaglalagakan ng investment dahil may mga objective din sila gaya ng magkaroon ng food security at target nilang idevelop ang renewal energy at dalhin din sa Pilipinas ang tinatawag na green hydrogen.
Si Pascual ay kasama ng Pangulo sa biyahe sa Saudi Arabia bilang bahagi ng Philippine delegation sa 1st Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council Summit hosted by Saudi Arabia.