Aminado ang aktres at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na talagang matinding takot ang nararamdaman niya sa tuwing makakakita siya ng pusa at ayon sa kanya ay may kakaiba siyang nararamdaman kapag may pusa sa paligid niya.
Inamin rin niya na yun ang dahilan kung bakit hindi siya nag-alaga ng pusa noong bata pa siya.
Pero nagbago naman daw ang pananaw niya sa mga pusa nang makilala niya ang pet cat ng kanyang pinsan na si Lucas at sa kanyang IG, ibinahagi ni Pia ang kanyang naging journey sa pagiging proud cat lover kasabay ng pagdiriwang ng Global Cats Day last October 16.
“Story time! Never in my life did I imagine that I would like cats. I used to be scared of them because I didn’t have much experience with cats during my childhood. Even in my adult life, whenever I’d visit friends who had cats, I would always be so nervous touching, petting, carrying them…because I didn’t know how!” sabi ni Pia sa post.
At nagbago nga ang lahat nang makita at makilala niya ang pusa ng kanyang cousin.
“Until I met Lucas. @lucas.whereareyou was adopted by my cousin Charity @anellecharity and for those who have been following me, Charity works very closely with me. We’re also neighbors and so Lucas would always come over to visit. Lucas is playful, malambing and so sweet with my pamangkins Lara & Logan,” saad pa niya.
Nagulat din daw siya nang malaman niyang napakadali palang alagaan ng mga pusa dahil nga sa naging experience niya kay Lucas simula nang dumating ito sa buhay niya.
“My gosh.. cats are so easy pala. You only have to teach them ONCE where the cat litter is and that’s it. Automatic na. They know where to go. They’re independent, don’t need constant attention, and have simple joys in life. Expensive toys? No way. Lucas loves an empty cardboard box and will have fun for hours,” pagbabahagi pa ng aktres.
“I am officially converted. Lucas is now part of our family and even made it to my recent shoot with @cosmopolitan_philippines. I adore this cat so much. We love y