Sunud-sunod na sampal ang inabot ni Kim Chiu bilang Juliana sa Linlang mula kay Maricel Soriano. Sa dami, hindi na ito halos nabilang ng aktres na talagang ininda ang matitinding sampal na inabot niya mula sa Diamond Star.
But the good thing is, binigyan si Kim ng pantanggal maga bago ang sampalan nila ni Maricel.
“Nagso-sorry nga siya sa akin, (pagkatapos ng kanilang sampalan scene), pero sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista. Siyempe, pangarap ng isang artista na masampal ng nag-iisang Diamond Star Maricel Soriano. Bucket list namin ‘yun. Bucket list checked. Ang lala!” say ni Kim sa isang interview.
Then, she shared na napakabait ni Inay Marya sa kanya dahil binigyan siya nito ng spray bago maganap ang sampalan. Alam na alam kasi ni Maricel na mamamaga ang pisngi ni Kim matapos niya itong sampalin.
“Yung binigyan nyo po ko ng spray, yung pantanggal maga. Bago magsimula ‘yung eksena. Favorite niya ‘yung spray na yun. Hindi niya talaga binibigay kasi konti na lang siya at sa Hong Kong siya nabibili, ‘di ba Nay? Sabi niya ibibigay ko na lang to sa ‘yo. Tapos pagkatapos ng eksena namin , ‘Ah, kaya pala pantanggal maga,” say ni Kim.
“Oo, kasi ano mahirap i-fake ‘yun, eh, kasi kailangan niya maramdaman ‘yung galit nung nanay dahil dalawang anak ko tinuhog mo, ganun,” say naman ni Maricel.
Nakabakasyon si Kim sa US ngayon at panay ang rampa niya sa iba’t ibang scenic spots sa Amerika.
Nagpakita ng concern ang mga Pinoy sa It’s Showtime host lalo pa’t mamahaling bag parati ang bitbit nito sa kanyang pagrampa sa mga pasyalan sa US.
Meron naming isang nagmahadera at ang wish niya ay maging magdyowa sina Kim at Paulo Avelino.
“Sana in real life sila na lang ni Paulo. bagay sila ang ganda ng Chemistry nila unlike Xian,” say ng isang basher.
Agad naman itong sinagot ng isang KimXi fan who said, “Ganitong klaseng fan ang malapit ng maging aldub version 2.0. Marami ng napagtagumpayang challenges together ang KimXi.Hindi sila tatagal ng 12 yrs+ kung dahil lang sa chemistry.Kung pagiging mabuting BF lang din lang ang pag-uusapan, di hamak namang mas responsable at mabuting tao si Xian kesa jan sa manok mo.Haler marami ng nakarelasyon niyang taong yan at naanakan pa yung isa. Kung papatulan yan ni kim (base sa gusto mong mangyari), parang pinagpalit niya ang ginto sa tanso.”
Tila nagpasaring si former Manila mayor and “Eat Bulaga” host Isko Moreno sa MTRCB.
Sa isang Tiktok video, sinabi ni Yorme na dapat ay lagyan ng puso ang pagdedesisyon ng MTRCB at hindi puro utak lang.
“I think you should know better, if and if, the chair or head of such agency ay galing mismo sa showbiz industry because you know better than anybody else na maraming umaasa sa likod ng camera,” say ni Yorme.
“Hindi lang dapat puro utak, kailangan nilalagyan mo rin ng puso. And that’s what you call public service. You serve the public, you protect the greatest number, and at the same time, you show empathy, care, understanding and compassion. That’s how the government should be functioning,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan ay pinalitan pansamantala ng It’s Your Lucky Day ang It’s Showtime dahil sa 12-day suspension nito sa ere.
May kumalat na video sa social media kung saan ipinakita ang isang special child iyak nang iyak dahil hindi na niya napapanood ang It’s Showtime sa television.
Well, tingnan na lang natin kung magbabalik ang It’s Showtime sa October 27 matapos ang 12-day suspension nito.
Grabe itong talent manager na ito. Talagang lahat sa kanya ay talo-talo, wala siyang pinipili sa ngalang ng datung.
Imagine, inisahan niya ang isang writer na que pobresita na ang drama ngayon dahil nga may sakit.
It’s like this. Many years ago, ibinenta ng talent manager sa writer ang house and lot na fully-furnished sa isang malayong lugar for two million.
Nagkaroon ng kasunduan ang dalawa na huhulugan ng writer ng P5,000 a month ang property hanggang mabuo na nito ang 2 million pesos.
Noong una, nag-down ang writer ng P520,000. Maganda naman ang naging result. Nagkaroon lang ng problema ang writer nang magkasakit siya. Siyempre, napunta ang kanyang kinikita sa kanyang medical bills at gamot.
Ang nangyari, nag-decide ang writer na isoli na lang ang property. Sa 2 million na presyo nito ay umabot na sa 1.7 million ang kanyang naibayad, so P300,000 na lang ang kanyang kulang.
Nag-decide si talent manager na ibenta na lang ang property. Pero ito ang nakakaloka. Nabenta ang property sa halagang P1.5 million. And what do you know? Ang natanggap lang ng writer mula sa bentahan ay P350,000.
Hindi ba nakakaloka? Hindi ba parang nabudol ni talent manager si writer?