Iniulat ng mga otoridad na pumanaw na ang ina ng mga paslit na ginilitan sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Magallanes sa Cavite, base na rin sa naging pahayag ng ama ng mga bata.
Kung matatandaan, hinihinalang suspek sa krimen ang ginang na natagpuang sugatan at may hawak na patalim sa tabi ng kaniyang mga anak. Pero iginiit naman ng ama ng mga bata na hindi magagawa ng kaniyang asawa ang krimen.
Pumanaw ang ginang nitong Miyerkoles ng madaling-araw, ayon sa padre de pamilya na si Levy Baniaga.
“Dagdag pasakit na naman po. Mahirap pong tanggapin ‘yung nauna tapos nadagdagan na naman po,” saad ni Baniaga sa isang panayam.