“I left my heart in America,” iyan ang huling pahayag ni Vice Govenor Mark Leviste kaya sangrekwa ang mga chikang umiikot ngayon sa social media.
Totoo nga kaya ang chika mula sa pangkat katkatera na si Vice Governor Mark Leviste ay lilipad muli pa-Amerika para kay Kris Aquino? Dahil sa kanyang latest na pahayag, hindi pa nagpapalupig ang pag-asa at pagmamahal ni ginoong Leviste para kay Ms. Kristine Bernadette.
Kahit pa nga ang mommy dearest nina Joshua at James Jr. ay tinapos at tinuldukan na ang relasyon nila ni master Jose Antonio eh isa pang masidihing talastanga ba ang ang hihingin niya kay Aquino, kung tunay nga ang paglalakbay sad ako pa roon,para maipaliwanag ang kanyang sarili?
Balita mula sa team talakera, bwisit na bwist diumano ang minsang tinuring na Queen of Talk sa larawan ni Leviste, na kasama ang sina Senador Robin Padilla at Philip Salvador, mga lalaking minsan ay naging bahagi ng buhay nito.
Ang dagdag chika naman mula sa mga dalahirang totoo, nagselos diumano si Aquino sa dramang malapit si Marc kay dramatic actress Sunshine Dizon at nililigawan na ito?
Si Sunshine, mariing itinanggi ang balitang ligawan sa isang press pagtitipon. Lumapit lang daw sa kanya si Marc sa isang kasiyahan, nagpakilala at pagkatapos noon, wala silang kahit na ano pang komunikasyon o ugnayan. Kaya takang-taka at gustong mahibang ni Cruz kung sino ang pasimuno at may akda sa chikang may namumuong pagtitinginan at pagka-mabutihan silang dalawa ni ginoong Leviste.
Naku, naku, naku, kung totoo ngang lilipad si master Leviste para makipag-once for all usapan sa babaing tunay niyang minamahal, mapalambot niya kayang muli ang damdamin nito at bigyang pagkakataong muli ang kanilang relasyon?
Harapin naman kaya ni Kris ang bise gobernadpr pag pormal na itong dumalaw sa kanyang tirahan sa US? O hindi niya ito bibigyang ng pagkakataon na siya ay kausapin, at mas lalong wala itong panahon na makita pa ito?
Paano kung kay James Jr. at kay Joshua ipadaan ni ginoong Leviste ang hangad na makaharap ang kanilang ina? Bukas na aklat naman kasi na maayos at mainam ang relasyon ni Mark sa mga anak ni Kris. Mahihindian kaya ni Aquino ang lambing ng mga anak na “Mom, please talk na with Tito Marc”?
Sa galit-bati, on ngayon, hindi na on bukas, alam na alam na nga ba ni master Leviste kung paano susuyuin ang kanyang sinisinta? O mas alam na alam na ni Kris na tama, na sobra na, ayoko na talaga ito, walang sorry, sorry, walang balikang magaganap?
Ang daming mga tanong, sa takda at tamang panahon, tiyak may sagot tayong malaaman. Alam naman natin na bisyo ni Kris ang pagpapakatotoo kaya kung sakali mang talagang pumunta si Marc sa America at nagkaroon sila ng masisinsinan at puso sa pusong pag-uusap ni ginoong Marc, tiyak na mahaba-habang paglalahad at paliwanag ang ating mababasa sa kanyang pinagkakatiwalaang social media sites.
Kung hindi niya rin bibigyang pagkakataon na sila ay magharap at mag-usap, makakatiyak tayo na mas mahaba ang aria ni Aquino patungkol sa katotohanang nagpaalam na talaga siya sa romansa at pagmamahalan.
Patuloy pa rin ang dasal ng marami sa pag galing ni Kris Aquino sa kanyang hinaharap na pang-kalusugang sitwasyon. At kung ano man ang mangyayari sa kanila ni Marc Leviste, kung laban-laban pa, o wala na talaga siyang nararamdaman dahil tuyo na ang damdamin niya para rito, kung ano ang inaka-mainam at mahusay para sa kanya, naway iyon ang maghari at mamayani.