Unang episode pa lang ng Your Lucky Day pero nagkalat na kaagad ang isa sa mga hosts nito na si Jennica Garcia.
Ang Your Lucky Day ay pansamanatalang pumalit sa Its Showtime na nasuspinde ng 12 days sa ere.
Kasi naman, hindi niya sinunod ang blocking kaya napunta siya sa stage ng mga contestant.
“FIRST DAY MO SA WORK PERO NANGAMOY LAST DAY MO NA RIN! Saan po punta ng Lala niyo ba kasi?” caption ni Jennica sa kanyang Instagram post kung saan kuhang-kuha ng camera ang kanyang pagkakamali.
“Jennica, ito ang blocking natin. Kung gusto mo diyan ay ikaw ang bahala. Pero ito ang blocking namin, Jennica,” say ni Luis Manzano.
“Alam mo hindi, si kuya Luis masyado akong pinag-iinitan. Alam mo kuya, meron akong show na gagawin sa January. Kapag hindi natuloy dahil pinakanta mo ako kanina,” say ni Jennica.
“Jennica, ikaw ang naglakad. Paano ko naging kasalanan ‘yun?” say ni Luis.
“Sabi n’yo po mauna po ako,” say naman ni Jennica.
Halos maiyak sa katatawa ang mga hosts na sina Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin at Melai Cantiveros dahil sa kapalpakan ni Jennica.
Sa IG naman, aliw na aliw ang netizens sa post na iyon ni Jennica. Para daw siya si Anne Curtis sa It’s Showtime kapag naghohost dahil ang daming kapalpakan.
“Kung may Anne Curtis ang It’s Showtime, may Jennica Garcia ang It’s your Lucky day.”
“It’s Showtime – Anne | It’s Your Lucky Day – Jennica Grabe 1st Day palang, Laughtrip agad.”
“The best tlga to si lods Jennica. ..kaya idol ko to eh LT tlga.”
“Jennica is the new anne Curtis.”
“Lala n’yo, lutang. hahaha @abscbn Wag n’yo pong sayangin ang isang Jennica Garcia.”
“IKAW ANG LALA NA GUSTO NAMIN SA TANGHALIAN!!! Hahahaha! Good start, Jennica!”
***
Hinayang na hinayang si Gabbi Garcia na hindi natuloy ang isang project nila ni Jericho Rosales.
This was her revelation during the finale mediacon for Unbreak My Heart. Natanong kasi siya kung sino sa mga Kapamilya ang kanyang gusto pang makatrabaho bukod kina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.
“Ako, I’m open to working with anybody. Pero what I always say sa interview, meron kasi sana kaming gagawin na project ni Kuya Echo, naudlot. Parang it was two years ago, parang pandemic pa noon. We had like a bit of a problem with the producer,” say ni Gabbi.
Super hinayang si Gabbi dahil nakapagsimula na sila kahit paano for the project.
“Sayang kasi constantly ay nag-uusap na kami. We were preparing for it. Nag-workshop na kami online and then nagkaroon lang ng problem with the producer so naudlot siya,” paliwanag niya.
But Gabbi is hopeful na makatrabaho pa rin si Echo.
“Maybe in the future, if there’s an opportunity, why not. I really look up to him,” say niya.
During the interview, sinabi ni Gabbi na naging close na sila ni Joshua Garcia during the taping of the series.
At isa ang conversations nila off-cam sa mga memorable moments na itinutiring ni Gabbi na hindi niya makakalimutan.
“For me naman, memorable off-cam, kami ni Josh, tine-treasur eko ‘yung mga deep talks naming kapag off-cam. Madami tayong medyo na-open up sa isa’t isa. ‘Yung mga ganoong bagay kasi very rare for you to have someone to talk to na katrabaho mo, na ganoon kaseryoso ‘yung usapan. Naa-appreciate ko ‘yun,” say niya.
“Kanina, noong nagkita kami. Ang tagal naming hindi nagkita. Parang kumustahahn kaagad kami. ‘Uy, kumusta?’ May hallway session chiakahan kami kanina. So, ‘yun, ‘yung mga ganoong moments, masaya,” dagdag pa ng dalaga.