Inihayag ni United States President Joe Biden na nakausap na niya umano si Palestine President Mahmoud Abbas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Biden na ipinarating niya kay Abbas na nararapat na kondinahin ang ginawang pag-atake ng Hamas na nagpapanggap umano na nagmamalasakit sa mga Palestine subalit iba ang kanilang ipinaglalaban.
Tiniyak rin ni Biden na kaniyang nakausap ang ilang mga ahensiya para sa pagdaan ng mga supplies sa mga sibilyan na naaapektuhan ng kaguluhan sa Gaza.
Samantala, bubuksan na ang Rafah crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt para madaanan ng mga sibilyang naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ito ang naging resulta ng pagpupulong nila ni US Secretary of State Antony Blinken at Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi.
Sa nasabing lugar din ay doon idadaan ang mga tulong na galing sa United Nations at ibang mga bansa.
Una na kasing isinara ng Israel ang dalawang border crossing nila ng Gaza para hindi makadaan ang mga Hamas militants at ang tanging nabuksan lamang ay ang Rafah crossings ng Israel at Egypt.
Inatasan na rin aniya ni US President Joe Biden si dating US ambassador to Turkey na si David Satterfield na siyang tutulong sa koordinasyon sa ibang mga bansa.