Inihayag ng state weather bureau PAGASA na maaari nang maramdaman ang malamig na panahon na dala ng hanging amihan o Northeast Monsoon sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.
Ayon sa ispesyalista nito na si Benison Estareja, nasa transition period na ang panahon sa Pilipinas, at sa loob ng isa o dalawang linggo ay maaaring maramdaman na ang napakalamig na panahon na isa sa mga katangina ng Amihan.
Maalalang Oktubre 1 nang maideklara ang pagtatapos ng hanging Habagat sa Pilipinas, na siyang nagdulot ng malawakang pinsala sa mga ari-arian istruktura, at pagkawala ng buhay, dahil na rin sa malawakang pag-ulan na dulot nito.
Ayon sa state weather bureau, ang malamig na hangin mh Amihan naman ang dapat paghandaan ngayon ng publiko.
Ang Hanging Amihan ay ang malamig na hanging nagmumula sa Mainland Asia, partikular na sa China at Siberia na kadalasang tumatagal ng hanggang sa mga buwan ng Pebrero at Marso, dito sa Pilipinas.