Sampung taong sakay ng van ang inaresto sa checkpoint ng pulis sa Sadanga, Mountain Province Sabado ng gabi dahil sa mahigit kalahating kilo ng marijuana na nakita sa loob ng kanilang sasakyan.
Sinita ng mga nagbabantay na pulis sa checkpoint sa Sitio Ampawilen, Barangay Poblacion ang van mga alas-7 ng gabi, ayon sa pulis.
Pagkasita ay hinalughog ang sasakyan ng mga alagad ng Sadanga Municipal Police, Mountain Province Provincial Police, Cordillera Regional Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Mountain Province. Sa loob ng van nakita ang anim na bag na naglalaman ng tuyong marijuana brick, dahon ng marijuana at tubong marijuana.
Umabot ng 750.55 gramo ang kontrabando na may street value na mahigit P2 milyon.
Dinala ng mga pulis ang mga suspect na kinilalang sina Christopher Zabala, 23, taga-Dau, Mabalacat, Pampanga; Erika Tiao Javiero, 24, taga-Mabuhay City, Paliparan III, Dasmariñas, Cavite; Paulo Cresula Segismundo, 32, taga-Ampid, San Mateo, Rizal; Jaycee Carreon Cayanan, 21, taga-Fatima Village, Porac, Pampanga; taga-Village Park, Langkaan 1, Dasmariñas, Cavite; Joseph Jagajan Padayao JR, 29, taga-South Signal, Taguig City; at Cherry Ann Lomibao, 24 , taga-Lerio, Pembo, Makati City.
Ang sampu ay nakadetine at sasampahan ng kauukulang kaso.