“Oh my gosh! Inunahan pa ang FranSeth!”, “Grabe kayo, kakilig talaga!” at “Sana all may ganiyang tamis ng unang halik moment!”, ilan lamang iyan sa mga positibong komento matapos ngang maipalabas na ang halikan nina Tony at Gelo, ang mga katauhang binigbigyang buhay nina Raven Rigor at Sean Tristan.
Sa totoo lang, ang SeVen, portmanteau nina Tristan at Rigor ang tinuturing pinaka-progresibong love team ng Gen Z kasi nga parehong lalaki ang inilalako at ipinakilala sa lahat na hindi platonic at bromantic, kundi tunay na romansa at pagmamahalan.
Sa tamis ng unang halik pagkakataon nina Rigor at Sean sa “Fractured”, nakakatuwang mabasa sa Ekis social media ang positibong pagtanggap, pagmamahal at pagyakap sa mga katauhang kanilang ginagampanan. Ibig sabihin lang nito na kumbinsido ang lahat sa romansahang Tony at Gelo dahil nga kapwa mahusay at makatotohanan ang pag-arte ang mga young master.
Yung pagsabi ni Raven na “That was first kiss with a boy…. And I loved it”, ang delivery, super convincing at tunog alta talaga! Kilig to the max, as in!
Ang mga sumusubaybay nga sa teen vloggers marooned in an island eh huwag namang maging tragedy ang kahihinatnan nina Tony at Gelo lalo na nga’t hinuhusuyan naman talaga nina Rigor at Sean ang pagbibigay buhay sa kanilang roles.
Ang isa pang nagpakilig sa lahat, na may “mabuhay ang bagong kasal” na pagbibiro na nga ay sina Tony Labrusca at JC Alcantara.
Inilabas kasi ni Alcantara sa kanyang IG ang kuha nilang magkasama sa ABSCBN Ball. Tuxedo ang suot ni Anthony at si John Carlo naman ay ang kanyang baby pink suit ensemble with a tulle cape kaya ang dating lahat, parang bagong kasal realness at jowa reveal. Tamis-tamisan pa ang ngiti nilang falawa sa larawan.
Alam naman nating lahat na sina Labrusca at JC ang nagbigay buhay sa mga katauhan nina Xavier at Mico, sa “Hello Stranger” online serye at pelikula. At ang BL romance na ito na si Petersen Vargas ang nagdirehe, ay tinuturing na pangatlo sa pinaka-maganda at matinong boys love drama na itinanghal at minahal ng mga manonood nung pandemya.
Ang kasama sa top three Pinoy BLs ay ang “Gameboys” na pinagbidahan ng mga mahuhusay na aktor na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, at ang “Gaya Sa Pelikula”, na ang mga bida ay sina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan, ang PangPang couple na marami ang nanalig na hindi lang for reel, kundi for real ang coupling,.
Kaya sa tambalang Raven Rigor at Sean Tristan, salamat sa pagiging matapang at nakakakumbinsing pagpapakita sa lalaki na nagmamahal sa kapwa niya lalaki na tunay na progresibo at dapat palakpakan na may kasamang sigawan. Mabuhay kayo, mahuhusay kayo! Kung sa takdang panahon eh totohanan na ito at hindi na lang ito pag-ganap, ano pa nga ba ang dapat gawin kundi clap, clap, clap!