Tinutulan ng TV producer na si Romeo Jalosjos Jr. ang deklarasyon ng Commission on Elections kay Roberto Uy Jr. bilang halal na kinatawan ng Unang Distrito ng Zamboanga.
Ipinahayag ni Jalosjos ang kanyang pagtutol sa pagdinig ng Korte Suprema sa petisyon ni Uy na utusan ang Comelec na iproklama siyang halal na kongresista na nasabing lugar.
Ikinatwiran ni Jalosjos na ang kasong elektoral sa botohan noong 2022 ay dinidinig pa ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Dahil rito, ang petisyon ni Uy na madeklarang panalo sa election ay baligho o absurd, aniya.
Ang HRET lamang ang tagahatol sa mga halalan, mga balota at kwalipikasyon ng mga kandidato, dagdag pa ni Jalosjos.
Sa madaling sabi, walang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa nasabing kaso.
Anumang hatol ng Korte Suprema sa magdudulot ng katanungang konstitusyonal tungkol sa legitimacy ng ika-19 Kongreso at mga miyembro niyo, ayon kay Jalosjos.
Nanawagan siya sa Korte Suprema na tutulan ang petisyon ni Uy na agarang deklarasyon ng kanyang panalo at magtakda ng araw para sa pagdinig ng mga oral argument sa kaso.