Hanggang ngayon ay super busy pa rin ng sexy star na si Angela Morena dahil kabilaan ang kanyang mga projects at mga pelikula sa streaming app ng Viva Entertainment na Vivamax.
Nitong nakaraan lang ay naipalabas na ang kanyang sex-action-drama na “Woman On Top” at pagkatapos noon ay meron na naman siyang bagong pelikula, ang sex-suspense-drama na “Ahasss” directed by Ato Bautista kung saan sobrang palaban ang dating ng dalaga.
Dito, gumaganap si Angela bilang trophy wife ng isang retired American na maghihiganti sa ending sa tulong ng mga lalaking nakapaligid sa kanya.
“I like the movie kasi at first, hindi mo alam kung sino ang ahas that the title is referring to. By the end, though, you’d realize all the characters are ahas. Ang ganda nung arc ng character ko kasi from being an obedient wife throughout the film, she turns into an assertive woman who realizes she has to love herself more than any other man in her life,” saad ni Angela.
Bukod sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes, talagang nahasa na si Angela sa pagdadrama dahil nabigyan muli niya ng hustisya ang ginampanan niyang karakter sa pelikula.
Isa sa ipinaglalaban sa “Ahasss” ay ang women empowerment kung saan talagang lumaban ang karakter ni Angela sa mga kalalakihang nakapaligid sa kanya.
Bukod sa mga sex scenes sa pelikula, nakakagulat rin ang ending nito na siyang biggest twist sa kuwento.