Pinanindigan ng Philippine National Police Forensic Group ng Rizal Provincial Field Unit na tama ang inilabas nilang resulta sa otopsiyang isinagawa nila kaugnay sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Gumikib.
Kung matatandaan, nasawi ang estudyante ilang araw matapos umano itong sampalin ng kanyang guro sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.
Iginiit ni PNP Forensic Group Rizal provincial field unit chief medico legal officer Lt. Col. Maria Anna Lissa Dela Cruz na non-traumatic ang nature ng sanhi at walang kinalaman ang umano’y pananampal ng guro sa pagkamatay ni Gumikib.
Noong Miyerkoles pa umano nila ipinaliwanag nang mabuti ang resulta ng otopsiya sa pamilya ni Gumikib.
“We will stick to our findings na on-traumatic yung nature yung naging cause ng pagkamatay ni Francis Jay Gumikib and that was already explained to the family step-by-step in details, kung paano kami nag arrive doon considering the other facts apart from the gross findings during the autopsy examination and the histopathological examination also from the diagnostic work ups made by the Amang Rodriguez Medical Center,” sabi ni Dela Cruz.
“Ganun din po yung mga symptoms na naipresent ni Franics Jay prior to his death, yun ay inexplain namin mabuti sa family. So from the FG and from our findings the alleged slap from the teacher has no direct effect on the intracerebral hemorrhage,” dagdag niya.
Sabi pa ni Dela Cruz, naiintidihan nila ang reaksyon ng pamilya at kung may agam-agam aniya sila ay maaari silang dumulog sa ibang ahensya para kumuha ng second opinion hinggil sa resulta ng otopsiya ni Gumikib.