Isang serial killer sa Colombia na tinaguriang “Ang Halimaw” dahil sa pagpatay ng 170 batang lalaking edad 8 hanggang 16 ang pumanaw sa piitan, ayon sa mga opisyal ng pamahalaan sa bansa.
Si Luis Alfredo Garavito ay namatay sa edad na 66 sa isang klinika ng bilangguan nitong Huwebes dahil sa ilang sakit, pahayag ng INPEC penitentiary authority.
May kanser sa mata at lukemya si Garavito.
Nakakulong si Garavito mula pa noong 1999.
Nagpapanggap na salesman, monghe, may kapansanan o walang tirahan si Garavito upang makapasok sa mga paaralan at doon maghanap ng mabibiktima, ayon sa mga imbestigador noon.
Kanyang pinapatay ang biktima na nayakag niyang pumunta sa isang lugar na walang tao sa pamamagitan ng pag-aalok ng pagkain. Kapag pagod na sila sa kalalakad, saka niya aatakihin ang biktima.
Pinahihirapan at sinusugatan muna ni Garavito ang kanyang biktima bago niya sila gilitan sa liig, ayon sa mga abogadong na humawak sa kanyang kaso.
May listahan ng mga biktima si Garavito.
Naging pinakamalaking imbestigasyon sa kasaysayan ng Colombia ang serye ng pagpatay ni Garavito noong 1998 nang matagpuan ng mga imbestigador ang labi ng 36 na biktima sa bayan ng Pereira.
Makalipas ang isang taon, natukoy ang serial killer.
Umamim si Garavito sa kanyang mga krimen sa Venezeual at Ecuador kung saan siya ay nasintensyahan na makulong ng 22 taon.