Isang batang lalaki ang nahulihan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules.
Nahuli ang 16-anyos na lalaki sa isang entrapment na isinagawa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga pulis ng Sultan Kudarat, pag-uulat ng Philippine News Agency.
Inilipat sa kustodiya ng Ministry of Social Services and Development ng BARMM ang nahuling menor de edad habang ginagawa ang inquest proceeding sa kanya, ayon sa ahente ng PDEA na si Rose Mary.
Hinala ng PDEA-BARMM na napag-utusan ng mga nagbebenta ng bawal na gamot ang batang lalaki na mag-deliver ng kontrabando sa isang mamimili sa Barangay Ungap na undercover agent.
Nakuha rin sa bata ang motorsiklong ginamit niya sa pag-deliver ng droga.