Inamin ng aktres na si Gabbi Garcia na handa na siyang tumanggap ng mga mature roles at ayon sa dalaga ay ito na ang tamang panahon dahil tumatanda na rin daw siya.
“I think it’s also about time because I’m not getting any younger. I’m turning 25 this December, so siyempre, you wanna move forward, you wanna improve more, you wanna grow. So there’s no way to go but really that path,” sabi ni Gabbi sa isang panayam.
Nilinaw rin ng dalaga na kahit handa na siya sa mature roles ay nais pa rin niyang piliin ang mga iaalok na mga proyekto sa kanya.
“So of course, pipiliin ko pa rin ang projects ko. Kung ano ang worth it talaga. But yeah, I’m more challenged now to take on mature roles,” sabi ni Gabbi.
Nabanggit din ng aktres na natutuwa siya na marami ang nakaka-appreciate sa kanyang pagganap sa heavy drama series na “Unbreak My Heart” kasama sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.
“Everytime I go out…mostly mga parents ‘yung lumalapit sa akin. I-e-express nila na nakakainis ‘yung character ko, ano kaya ang mangyayari. So to be able to experience that kind of interaction to people, nakakataba siya ng puso at nakaka-overwhelm,” saad ni Gabbi.
Ayon pa sa aktres, magbabakasyon muna siya kasama ang kanyang partner na si Khalil Ramos bago sumabak sa bagong proyekto.
“We will be flying to New York and Canada. So exciting siya kasi it’s a well-deserved break. Looking forward kami to watch broadway shows, to just really eat and mag-food trip lang around the place. So ‘yun ang nilu-look forward ko ngayon,” sabi ng dalaga.
Ibinunyag din ni Gabbi na kakaibang pelikula ang kanyang gagawin after ng kanyang bakasyon, pero hindi pa niya ito pwedeng idetalye.
“It’s a film. So hindi pa namin siya pwedeng i-disclose,” pag-amin niya. “Pero exciting siya. It’s very, very new to me. It’s a new genre. Totally new genre. So nae-excite din akong gawin ‘yun.”