Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na magkakaroon umano ng mga pagbabago sa isasagawang joint military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos sa mga susunod na edisyon nito.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang susunod na ikakasang joint military drills ng Pilipinas at Amerika ay magkakaroon ng mas maraming “complexity” at mas sesentro umano ang ang bilateral exercises ng dalawang bansa maritime activities, hindi katulad noon na sa land-based lang ito naka-focus.
Kung matatandaan, nitong Setyembre 2023 ay isinagawa ng Philippine at United States militaries ang kanilang taunang Mutual Defense Board-Security Engagement Board meeting kung saan napagkasunduan ng dalawang sandatahan na magsagawa ng nasa mahigit 500 bilateral engagements sa susunod na taon.
Kinabibilangan ito ng mga pagsasanay, high-level exchanges, security cooperation activities, at strategic vision including maritime security, information sharing, capacity and capability development, at marami pang iba.