Isang babae ang sinakmal ng aso na nasa gilid ng daan matapos nitong lapitan ang aso sa China.
Sa kuha ng CCTV, kita na umupo ang babaeng biktima at ang kaniyang kasama sa harapan ng aso at maya-maya pa ay sinagpang na ng aso ang isang babae na napahiga sa semento.
Isang lalaki naman ang umawat sa aso para itigil ang pag-atake. Nanatili namang nakahiga sa kalsada ang biktimang babae.
Ayon sa amo ng aso, karaniwang mabait ang kaniyang alaga at hindi naman nangangagat.
Posible umanong may nagawa ang biktima na ikinagalit ng aso.
Gayunman, handa raw ang may-ari ng aso na sagutin ang gastusin sa pagpapagamot sa biktima.