Nais ng grupong Commuters of the Philippines na mabigyan ng subsidy ang mga mga pampublikong sasakyan para maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at dagdag nila, mas makakabuti ito para sa mga operator at drayber, maging sa mga commuters.
Sinabi ng chairperson ng grupo na si Julius Dalay na naiintindihan nila ang pangangailangan sa pagtataas ng presyo ng pamasahe.
“Naiintindihan din namin kasi nga makikita mo ang presyo ng krudo, pumapalo na sa halos P80. Kailangan mong intindihin din na baka kesa mapabuti kami, eh makasama dahil baka nga magdesisyon ang mga operator at drayber na tumigil na lang sa pagpasada,” saad ni Dalay.