Dalawang taga-Israel at isang Egyptian guide ang namatay nang mamaril ang isang pulis sa grupo ng mga turista sa Alexandria kahapon.
Isa pang Israeli ang nasaktan at inaresto agad ang pulis na namaril, ayon sa ulat ng Extra News.
Kinumpirma ng foreign ministry ng Israel ang namatay na hudyo.
Nangyari ang pamamaril habang naglalaban ang mga militanteng Palestino at tropang Israel sa loob at paligid ng Gaza City.
Sumiklab ang digmaan sa Israel nang atakihin ng mga taga-suporta ng Hamas, ang grupong namumuno sa Gaza, ang mga Israeli sa paligid ng siyudad.
Sa huling ulat ng Agence France-Presse, may 600 Israeli ang pinatay ng mga terorista na lumusob sa mga bahay-bahay sa Israel at nagpaulan ng mga rockets sa mga siyudad nito.