Handang-handa na ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na si Michelle Dee at ayon sa dalaga, talagang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maiwasan ang magkaroon ng anumang “flaws” o pagkakamali sa kanyang pagsabak sa international competition.
Ayon kay Michelle, halos araw-araw siyang nagte-training upang siguraduhin ang kanyang magiging laban.
“Tuloy ang training almost every day. We also have requirements to fulfill, and responsibilities with our sponsors,” sabi ng dalaga. “If you see my schedule this month, puno talaga. But of course, we have to know how to choose our priorities.”
Nabanggit din ni Michelle na nakatakda siyang lumipad sa El Salvador, kung saan gaganapin ang nasabing kompetisyon, sa darating na Nobyembre.
Bukod diyan, ibinunyag din ng ating pambato na ang kanyang gowns ay ginawa ni Mark Bumgarner.
Para sa kaalaman ng marami si Mark ang gumawa ng black evening gown noong naganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 pageant kung saan nakuha ni Michelle ang “Best in Evening Gown” award.
Hindi na nagbigay ng clue si Michelle kung ano ang magiging disenyo ng susuoting gowns sa international pageant, pero ito ang sinabi niya: “Let’s just say na same siya sa Miss Universe Philippines 2023. It’s Mark Bumgarner, of course.”
“He knows what I want to achieve. He knows the vision. I truly believe that the gown will become iconic afterwards,” saad pa niya.
Tiniyak din ng Miss Universe Philippines 2023 na 200 percent ang ibibigay niya para sa kompetistyon.
“I’m giving it everything that I have. Two hundred percent of myself, I’m dedicating it to my crown,” sabi ni Michelle. “I’m working on the different aspects of my campaign just to make sure that when I fly to El Salvador, I’m 100% ready. Walang mahahanap na butas.”