I’m sorry.
Ito ang sinabi ng karatistang si Junna Tsukii sa mga kababayang Pilipino nang mabigo siyang manalo sa Round of 16 ng women’s 50-kilogram kumite sa 19th Asian Games sa China kahapon.
Ang 32-taong gulang na Filipino-Japanese at kampeon sa World Games ay natalo sa kalabang Srey Phea Chonn ng Cambodia sa puntos.
Ayon kay Tsukii, nawala ang kanyang momentum nang bawasan siya ng puntos ng referee.
“I’m sorry, but I cannot give good news for everyone. I tried my best to win in the Asian Games, but I failed,” sambit ng atleta.
Dahil sa nangyari, hindi na nakakuha pa ng dagdag na medalya ang Pilipinas sa torneo.