Dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril ang nagresulta sa pagkamatay ng dalawang lokal na opisyal sa mga probinsya ng Cebu at Bohol.
Sa Cebu, iniulat ng mga otoridad na binaril at napatay ng riding in tandem sa Barangay Prenza sa Balamban town noong Huwebes ang isang lalaki na kinilalang si si Anastacio Pacquiao.
Si Pacquiao ay kasalukuyang kagawad sa Barangay Cansomoroy, at kandidatong chairman sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataang elections.
Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo si Pacquiao nang barilin siya sa ulo ng mga nakatakas na salarin. Agad na nasawi ang biktima.
Tukoy na umano ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek pero hindi muna sila nagbigay ng detalye habang patuloy pa ang imbestigasyon.
Sa Bohol naman, sakay din ng motorsiklo at pauwi na si Danilo Hayag Añora, residente ng Barangay Dait Norte, nang pagbabarilin siya at mapatay ng riding in tandem sa Buenavista town.
Kasalukuyang konsehal ng nasabing bayan si Añora, at pauwi na noong Biyernes ng madaling araw nang tambangan siya ng mga nakatakas na salarin.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motobo sa krimen.