Inihayag ng Bureau of Immigration na handa itong tumulong para sa repatriation ng mga Pilipino sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Israel.
Sinabi ni BI commissioner Norman Tansingco na nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers para sa schedule ng posibleng repatriations.
Batay sa biniberipika pang reports, nasa 22 dayuhang manggagawa mula Pilipinas at Thailand ang napatay habang pitong iba pa ang dinukot ng militanteng Hamas.
Ayon pa kay Tansingco, top priority nila ang kaligtasan ang ating kababayang Pilipino at gagawin ang lahat ng kanilan makakaya upang makatulong sa mga ahensiya ng gobyerno na kabilang sa pagpapauwi ng mga Pilipino sa Israel.
Sakali man aniyang ibiyahe ang mga ililikas na Pilipino sa isang special flights, mayroong dedicated team para iproseso agad ang kanilang mga dokumento pagkadating sa bansa.
Samantala, habang wala pang naka-schedule ngayon na repatriation na isinasangguni sa BI, maigting na nakamonitor ang bureau sa updates mula sa DFA at DMW.