Balitang totoo o chikang siyento porsiyentong kuryente? Iyan ang tanong mula sa madlang pipol ngayong pinalulutang na ang pamalit sa suspendidong “It’s Showtime” ay ang palutuntunang “It’s Your Lucky Day.”
Ang mga pangunahing host dito ay sina Luis Manzano, ang katunog ni Lucky pag nagsasalita lalo na pag Ingles, si Robi Domingo, at ang isa sa pang-umagang momshie, si Melai Cantiveros-Francisco.
Kasama rin sa panakip-timeslot na programa ang tatlo sa miyembro dati ng Gold Squad, sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
Ang mga pro-reaksyon sa paparating na show, na ang sitsit ay sa Oktubre 14 ay: “Interesting ang show. No hate sa It’s Showtime but medyo may sawa factor na rin ang show at ang mga host. Pati na rin ang segments tulad yun Isip Bata. Little Miss U at Tawag ng Tanghalan, nakakasawa na rin. It’s nice to see new faces sa isang bagong show.”
“Parang magiging balanced ang show”, isa pang positibong reaksyon. “Luis and Robi are good hosts. Si Luis witty, pero may substance at hindi nakakabastos ang joke. Si Melai malaki na ang naging improvement sa hosting at in fairness to her, nakakatawa siya palagi. At yung mga teen na kasama, magandang training ito for them.”
Ang pinakamalaking inaabangan ng mga katkatera siempre pa ang imagined at totohanang bardagulan at tarayan nina Brillantes at Diaz.
Bukas na kasaysayan naman kasi na ang lalaking minsan ay minahal at di na maaring balikan ni Blythe ay si Fedelin, na sa kasalukuyan ay ka-love team si Diaz at sinusuyong tunay ni young master Seth.
Kaya kaabang-abang talaga kung may isnaban at irapan sa pagitan ng mga dalagang kagandahan. Para namang ang guapo-guapo talaga ni Seth, huh!
Ang isa pang pinag-dedebatehan eh kung mag-best in baby talk si young miss Brillantes at kung mag-super acting like a sosy lady itong si miss Diaz kaya tiyak pangmalakasan ang alin-alin ang naiba diskusyon sa hosting skills ng nakaraan at kasalukuyan ni Seth.
Ang isa pang naglalaro sa isipan ng mga nagmamasid, sa labing dalawang araw na eere ang bagong palatuntunan at naging major, major TV hit ito, hudyat na kaya na ang ilang taong pamamayagpag ng “It’s Showtime” ay hindi lamg matutuldukan, kundi katapusan na talaga ito na may tandang pandamdam?
Ang ahensyang may dahilan kung bakit suspendido ang paraisong parisukat nina Vice Ganda at Ion Perez, pati na rin ang concerned viewers, kung mag-thumbs up sila sa programa ni master Manzano et al at major, major ang kaliwa’t kanan nilang papuri, endorso at suporta rito, gone in sixty seconds, gone with the wind, lost in translation and lost in space na nga ba ang pinakamatinding karibal ng E.A.T at Eat Bulaga?
O pag pumutok talaga ito, gagawin itong pre-programming ng It’s Showtime o mailalagay ito sa isang late afternoon timeslot bago ang news program sa Kapamilya platforms?
Sa takdang panahon, masasagot ang mga nagbabagang tanong. Ang dapat muna talagang malaman eh kung tunay na tunay ngang ito ang pamalit programa sa “It’s Showtime” na hindi na inapela ang kanilang sitwasyon na dapat ay iaakyat sa opisina ng President. Nanindigan ang kanilang pamunuan na wala silang nilabag na kahit na anong batas at mas lalong hindi mali ang galawan nina Jose Marie Viceral at Benigno Perez, ang icing insidente na siyang pinutakti ng batikos at reklamo.