Tatlong pinaghihinalaang pumatay sa isang barangay treasurer sa bayan ng Villaba, Leyte ang pinaghahanap ngayon ng kapulisan at nag-alok ang pamahalaan ng lalawigan ng pabuya sa sinumang makakatulong upang sila’s maaresto.
Ang pabuya ay nagkakahalaga ng P300,000 at inaasahan na mapapadali ang paghahanap at paghuli sa mga naka-motor na bumaril kay Mateo Rasonable, 41, at kasama niyang nabuhay naman noong ika-5 ng Oktubre.
“We urgently seek the public’s assistance in bringing the perpetrators to justice and ensuring the safety of our community,” ayon sa mensaheng ipinost ng Leyte Provincial Police Office sa Facebook account nito.
“We encourage anyone with relevant details about the suspect(s) or the incident to come forward and assist with the investigation. Your information can have a significant impact on helping the authorities solve this crime and ensure the victim receives justice,” ayon sa post ng LPPO.
“Let’s work together to bring closure to the victim’s loved ones and ensure that our municipality / province remains a secure place for all. Any information, no matter how small or seemingly insignificant, could be the missing piece needed to solve this case,” dagdag pa ng LPPO.
Dumaraan sa Barangay Cabungahan ang motorsiklong lulan ni Rasonable at Angielyn Gulanie, 86, nang sila ay tambangan. Pauwi na ang mga biktima matapos pumunta sa sangay ng Land Bank sa Carigara.
Ilang ulit tinamaan ng bala si Rasonable sa katawan na kanyang agad na ikinamatay.
Si Gulanie naman ay dinala sa OSPA-Farmers’ Medical Center sa Ormoc City para gamutin.
Hindi pa batid kung ang pagpatay kay Rasonable ay may kaugnayan sa darating na eleksyon ng barangay at sangguniang kabataan.
Sinasabing nagkakaroon ng karahasan sa bayan ng Leyte Villaba tuwing may halalan.
Nitong nakaraang buwan, isang konsehal na tumatakbong kapitan ng barangay ang binaril at namatay habang nagmamaneho ng pedicab.