On top of the world.
Iyan ang pakiramdam ng National Football League star at tight-end ng Kansas City Chiefs na si Travis Kelce ngayong natsitsismis siya na napupusuan umano ng pop superstar na si Taylor Swift.
Iyan ay matapos na manood si Swift sa dalawang laban ng koponan ng 34-taong-gulang na si Kelce.
Dumami ang followers ni Kelce sa social media dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Swift at tumaas din ang kita sa pagbebenta ng kanyang jersey, ayon sa Agence France-Presse.