Isa sa mga nabiktima ng recruitment scam sa Italy ang naghain ng reklamo sa National Bureau Investigation sa Maynila kahapon.
Sa reklamo ni Maria Socorro Velasquez, 46, nangolekta umano ang kumpanyang Alpha Assistenza SRL sa mga biktima ng 5,100 euros o katumbas ng P306,000 na kabayaran sa pagpoproseso ng kanilang aplikasyon para makapunta at makapagtrabaho sa Italya.
Nabiktima ang mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa Italya.
Sinabihan umano sila ng nasabing kumpanya na may koneksyon sila sa mga matataas na opisyal ng Pilipinas na naka-istasyon roon.
Ayon pa kay Velasquez, nang kanilang iberipika ang AA SRL, nalaman na ito’y pekeng kumpanya.
Itinuro ni Velasquez ang co-CEO ng kumpanya na si Krizelle Respicio na responsable sa scam.