Ihahatid na sa huling hantungan ang isang yumaong bilanggo sa Reading, Pennsylvania, United States ngayong araw.
Dinagsa ng mga tao ang lamay para magpaalam kay Stoneman Willie at para na rin makapagpa-selfie sa mummy bago ito ilibing. Bukas ang kabaong niya kaya kitang-kita ang bangkay.
Isa sa mga pumunta, si Suzanne Schrum, 74, at kanyang hinimas ang noo at buhok ng mummy.
Ayon sa kuwento, namatay sa kulungan si Stoneman Willie noong 1895 at dinala ang kanyang labi sa Theo C. Auman Funeral Home dahil walang kumuha dito. Doon sa punenarya ay aksidente siyang na-mummify kaya mabagal ang pagkabulok ng bangkay.
Nag-eksperimento umano ang mga embalsamador ng mga bagong pormula noon gamit ang bangkay niya. Ang tubig sa bangkay ay tinanggal upang mapabagal ang pagkabulok ng labi.
Lumipas na ang 128 taon at naririto pa rin siya, ayon kay Kyle Blankenbiller, ang direktor ng punenarya.
Ayon pa kay Blankenbiller, ilalantad sa araw ng libing ang tunay na pangalan ni Stoneman Willie, na isang nickname lamang.
Isang kwento ng kasama ni Willie sa bilangguan ay nagpakilala siya bilang James Penn matapos mahuling nagnanakaw ng pitaka dahil ayaw niya raw mabahiran ang pangalan ng kanyang mayamang ama na taga-Ireland.