Gumulantang sa lahat ang pagrampa at pag-awit sa catwalk ng Pinoy Pop Royals SB19. Ang kanilang “they are too sexy for their shirts” fashion payanig ay nangyari sa show ng pamosong designer Neric Beltran. Si Beltran ay designer of choice ng Mahalima na siyang gumagawa sa kanilang outfits para sa kanilang konsyerto at pictorials.
Opisyal ngang pahayag mula sa Southeast Asian Pop Superstar Group: “A heartfelt thank you to Neric Beltran, who has dressed us in countless masterpieces, for entrusting us to close the curtains on a spectacular night! Your creations have always made us look our best, and it was an honor to be part of this glamorous event. Until next time when fashion and music collide!”
Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat igawad kay Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios, Ken Suson at Stell Ajero dahil ang maging closing act para sa isang fashion show ay isang feat. Kadalasan, ang pinakasikat na mga super model ang finale sa catwalk. Ang add-on pa sa pag-rampa ng pinaka-sikat na PPop group sa buong mundo, ay habang sila ay rumarampa, kinakanta nila ang kanilang hit R & B anthem na “I Want You.”
Sa social media site na X, makikita kung ano ang suot ng limang global performers. Standout ang suot ni Stell na shining, shimmering at splendid na sando na may accent na dambuhalang bow sa likod.
Si Ken naman ay tila may blue cotton candy inspired na oversized jacket paired with white pants at iba talagang rumampa si Felip Jhon sa catwalk, nagsusumigaw ang super star male super model attitude, glide at groove.
Best in astig at angas si Josh. At walang katulad ang pagiging pretty boy at nakaw pansin na maliit na bewang ni Justin ang talaga namang totoong-totoo ang pagiging magandang lalaki ni Pinunong Pablo.
Kasado na rin ang Asian leg ng kanilang Pagtatag World Tour na magaganap sa Singapore, Bangkok at Dubai. May special performance rin sila sa ASEAN-Korean Round Festival sa Indonesia at may five year anniversary celebration concert sa Araneta Coliseum sa Oktubre 28.
Dahil sa ginawa nilang paglalakad sa catwalk, ang A’Tin fandoms, nanalig na ang mga international fashion house eh mabigyang pagkakataon ang Mahalima na hindi lang makadalo sa pangmalakasang fashion weeks sa Milan, Paris at Nueva York, kundi makapag-cat walk rin ito at maging kauna-unahang Filipino ambassadors ng brands na Balenciaga, Dolce et Gabana, Gucci, Versace, Prada at marami pang iba.
Ang kanilang mammoth world wide hit, ang “Gento,” patuloy pa rin sa pamamayagpag. Ang pinaka-bagong KPop band na isinayaw ito ay ang Treasure. Marami ring J-Pop at Thai artists na naenganyo na sayawin ito at ilabas sa kanilang mga X at Tiktok pahina.
Kaya ipagpatuloy lang ang pagwagayway sa watawat SB19, mahusay kayo! Mabuhay kayo! Tuloy-tuloy lang ang inyong PPop Music world domination quest!