Patay na ang anim na suspect sa pagpaslang ng isang kandidato sa pagkapangulo sa Ecuador nang silang lahat ay mapatay sa kulungan nitong Biyernes, ayon sa mga opisyal.
Pinahayag kahapon ng tagapamahala ng mga bilangguan sa bansa ang pagpatay sa anim na taga-Colombia sa Guayas 1 sa siyudad ng Guayaquil.
Sila ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Fernando Villavicencio, 59, na binaril matapos mangampanya sa isang stadium sa kabisera ng Quito ilang araw bago ang unang round ng halalan nitong Agosto.
Sinabi ng opisina ng public prosecutor na lulusubin ng mga pulis at sundalo ang Cellblock 7 sa Guayas 1 kung saan nangyari ang pagpatay sa mga suspect.
Dati nang nagkaroon ng riot sa nasabing kulungan na ikinasawi ng mahigit 30 tao.
Nalaman ng pangulo ng Ecuador, Guillermo Lasso, ang pangyayari habang siya ay nasa New York at nagpasya siyang bumalik agad upang tugunan ang emergency.
Ipinangako niyang walang mangyayaring cover-up at ang katotohanan ay malalaman, ayon sa kanyang mensahe sa X.
Hinihinalang pinaslang si Villavicencio dahil ginalit niya ang mga criminal gang at drug trafficker sa kanyang pagtuligsa sa mga ito.