Inayunan ng korte ang petisyon ni drag queen Pura Luka na makapagpiyansa nitong Biyernes, ngunit sa malas ay napagsarhan na siya ng bailbond ngayong weekend.
Ang motion for bail ni Luka ay kinatigan ng korte matapos ang clarificatory hearing sa kanyang kasong kinakaharap kaugnay ng umano’y pambababoy sa Ama Namin.
Si Luka ay inaresto noong Miyerkules at itinakda naman ang bail niya sa halagang P72,000.
Ang kaso ay isinampa ng Hijos del Nazareno laban kay Luka dahil sa umano’y paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code na nagpapataw ng parusa sa mga imoral na doktrina at malaswang publikasyon.
“My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it’s their right to feel such,” ani Luka.