Roderick Paulate ipinaglaban ng producer na makasama sa MMFF movie
Now it can be told. Ipinaglaban pala ng first time film producer na si Mommy Flor Santos si Roderick Paulate sa “In His Mother’s Eyes” na balak isali sa forthcoming Metro Manila FilmFestival.
Ini-reveal niya ito sa special screening for the select press ng trailer ng movie na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Roderick at LA Santos.
“Actually, lahat against me. Not totally lahat against me when I said the idea na kung merong kakambal, o kung merong kapartner dapat, lahat nag-react. Lahatr nag-react against Roderick. Sabi ko ilalaban ko ito. Talagang inilaban ko,” say ni Mommy Flor.
“Sabi ko, hindi ito galing sa isip ko, galing ito sa isip ko. Alammo ba, bata pa lang siya (Roderick) ay ang galing na niya. Kapag nga tinatanong nila kung sino ang next (Roderick), wala talaga. Wala talaga, si Roderick lang. Ang daming nagsabi (na hindi siya dapat sa role),” dagdag pa niyang paliwanag.
“Hindi ako ma-fan (sa lalaki), sa babae lang ‘yun inaano ko. Ewan ko kung bakit ako na-attach kay Roderick the way I know (him), the way I know he will give more than justice sa role. Noong pinag-uusapan namin ang script, sabi ko, si Roderick lang ito,”say ni Mommy Flor na siyang nasunod sa pagpili kay Roderick bilang major cast member.
Sa napanood naming trailer, hindi naman nagkamali si Mommy Flor sa pagpili kay Roderick bilang surrogate father ni LA. Grabe ang kanyang emotional commitment sa kanyang role at talagang nakipagbardagulan siya ng acting kay Maricel at maging kay LA na rin na gumanap bilang anak ni Maricel na may kapansanan sa pag-iisip. Napagsabay ni Roderickang magdrama at magpatawa sa movie kaya winner na winner siya.
Sa trailer pa lang, makikita mo na deserve na deserve ng movie ang makasama sa Metro Manila Film Festival this December. Story-wise ay may kabuluhan ang kuwento ng isang ina (Maricel) na nawalay nang matagal sa kanyang anak (LA) matapos mag-work sa abroad nang matagal na panahon.
Ass-et ni Kiray
Consistent si Kiray Celis sa pagpapakita ng kanyang kaseksihan sa kanyang Instragram account.
Kahit na bordering on chubbylita, walang pakialam si Kiray kung malait man siya, basta confident siya mas lalo na sa pagpapakita ng kanyang matambok na puwet kapag naka-two piece bikini.
Sa kanyang latest photos sa kanyang Instagram account, walang kakaba-kaba na pinakita ni Kiray ang kanyang plus-size figure.
“Mataba man sainyong paningin, chubby is the sexy daw kaya pasok parin! HAHAHAHAHA! Salamat @masamireycove sa napaka gandang lugar na ito! Babalik ulit ako para makapag relax at maka awra! Hihihi! Sa mga curious paano pumuti ang wetpu ko, @heyprettyskinofficial lang sakalam!”
‘Yan ang walang takot na caption ni Kiray sa kanyang IG photo kung saan nagtampisaw siya sa swimming pool suot ang purple na two-piece bikini.
Ang nakakaloka,walang nam-bash kay Kiray. Talagang puring-puri nila ang comedienne kahit hindi naman talaga ito seksi at walang korte ang katawan. Maputi lang si Kiray at makinis.
“Nakakainis ka po Ms. Kiray puro pwet ikaw na ikaw na may makinis na pwet at maputi, sexy.”
“Kinis ng wetpu.”
“more bikini idol pls pls da best ka tlga.”
Sa isang post pa ni Kiray na kuha sa isang hanging bridge, naka-black two-piece naman ang dalaga. Again,puring-puri siya ng kanyang fans at walang nangahas na mambasag sa kanya.
At dahil sa kanyang matambok na wetpaks,may isang fan na nagbansag kay Kiray bilang “Pambansang Puwet.”
Kalokang tunay, ‘di ba?