Dumipensa si Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong kontrobersiya kaugnay sa umano’y proposed confidential funds ng kanyang tanggapan.
Ayon kay Duterte, mahalaga umano ang confidential funds para sa seguridad ng bansa.
“Confidential funds play a vital role in maintaining security by providing the necessary resources to address unforeseen challenges swiftly and decisively,” sabi ni Duterte, na siya ring tumatayong Department of Education secretary.
Bukod pa rito, binigyang diin din ng bise presidente ang mga taong diumano’y umaatake sa pondong nakalaan para sa “peace and order” ng bansa.
“Anyone who attacks or undermines funds allocated for peace and order is naturally assumed to have insidious motivations. Such actions go against the protection and well-being of our citizenry. Those who seek to compromise the security and development of our nation jeopardize the very fabric of our society and hinder our progress,” saad ni Duterte.
Dagdag niya, ang mga taong kumakalaban sa confidential funds ay kontra sa kapayapaan.
“Makinig kayo sa lahat ng sinasabi sa palibot ninyo at tandaan ninyo, kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan,” sabi ng Bise Presidente.
“We must remain vigilant and steadfast in our commitment to safeguarding our people and our nation,” dagdag pa niya.
Nabanggit rin ni Duterte ang pagiging miyembro ng DepEd sa Anti-Terrorist Council pati na rin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict bilang pruweba ng “unwavering commitment” ng ahensya para maprotektahan ang mga mag-aaral, mga guro, at iba pang stakeholders nito.
“The safety and security of our people should never be limited by financial constraints or arbitrary timeframes. We must stand united against any attack on funds allocated for peace and order, as they threaten the protection and well-being of our citizenry,” sabi pa nito.
Matatandaang kamakailan lang nang magdesisyon ang Kongreso na alisin ang pinagsamang P650-million confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd na pinamumunuan ni VP Sara para sa 2024 at ilipat ito sa ahensyang nakatutok sa West Philippine Sea.