Pinag-aaralan ng administrasyong Trudeau ng Canada ang pag-declassify ng listahan ng mga pinaghihinalaang dating Nazi collaborator na tumira sa bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sinabi ni Punong Ministro Justin Trudeau nitong Miyerkules na may mga naghuhukay na sa mga archives at magbibigay sila ng rekomendasyon sa kaukulang ministro.
Ang hakbang ay tugon sa maling pagpuri ng speaker ng House of Representatives sa isang beteranong taga-Ukraine na nakipaglaban pala para sa mga Nazi.
Ang nakakahiyang pangyayari ay naganap nang bumisita si Pangulong Volodymyr Zelensky sa parlyamento at magsalita sa mga kasapi nito nitong Setyembre.
Napilitang magbitiw sa tungkulin si Speaker Anthony Rota dahil sa kahihiyan.
Sa isang independenteng imbestigasyon noong 1986, tiningnan ang mga alegasyon na mahigit 800 Nazi war criminals ang nanirahan sa Canada, ngunit hindi sila pinangalanan.
Nagpahayag na ng pagsang-ayon si Jagmeet Singh sa pagbubukas ng mga kaukulang records ng mga ex-Nazi collaborators upang sila ay matukoy.
May grupo namang nagpahayag ng pangambang malabag ang istriktong privacy law ng Canada at ang maaaring pagbubukas ng mga naghilom na sugat dala ng giyera dati.