Hinahanap ng mga Indiyanong rescuer kahapon ang 102 kataong nawawala matapos pumutok ang isang ilog na yelo sa kabundukan ng Sikkim at bumagsak ang tubig sa ibabang mga pamayanan na ikinasawi ng 10 tao.
Tinangay rin ng rumagasang tubig ang 14 tulay at sinira nito ang mga daan sa hilagang-silangang India, ayon kay Prabhakar Rai, direktor ng ahensya ng disaster management sa Sikkim.
Kabilang sa mga nawawala ang 22 sundalo at isa ang na-rescue, ayon sa army.
Napuno ng tubig-ulan ang Lhonak Lake na nasa paanan ng glacier na nasa bundok na nakapaligid sa Kangchenjunga, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa mundo.
Mahigit 120 kilometro pababa ang napinsala ng baha, kasama ang isang dam.