Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na talagang thankful siya nang muli siyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7 at naging emosyonal pa siya nang magpasalamat siya sa mga bossing ng GMA at sa lahat ng kanyang tagasuporta na hanggang ngayon ay nagtitiwala sa kanya.
Noong September 8 pumirma muli ang dalaga ng exclusive contract sa GMA Network kung saan present din sina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, and Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable.
“Sobrang thank you po sa tiwalang binigay ninyo sa akin. Sobrang proud po ako at overwhelmed with happiness. Maraming salamat kay Tatay, Kuya Germs, kasi siya po ‘yung naging daan para makilala ninyo ako,” saad ni Sanya.
“For me po, hindi siya basta kontrata na pinirmahan lang. Reward po siya para sa akin. Simple lang naman akong tao na nangarap at kayo po ang naging daan para matupad ‘yon. Gagawin ko po ang best ko at mananatili po akong Kapuso,” dagdag niya.
Ito naman ang mensahe ni Atty. Gozon sa muling pagpirma ni Sanya sa GMA 7.
“Nagpapasalamat ako kay Sanya dahil pumirma siya ng exclusive Network contract. Ito ang kanyang sign ng loyalty sa GMA at ang GMA naman ay loyal din sa kanya. Now, she is a full-blown artist. Nais kong idagdag na wala akong nabalitaang problemang ibinigay sa amin ni Sanya. Batang-bata ka pa, malayo pa ang mararating mo sa industriya,”