Hindi ikinaila ng aktres na si Mikee Quintos na talagang inamin niya ang feelings niya noon sa aktor na si Alden Richards at ayon sa dalaga, umasa siyang magkakaroon sila ng relasyon noon ni Alden at alam daw ito mismo ng kanyang bestfriend na si Mikoy dahil magkakasama sila sa iisang tent.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, kasama ni Mikee ang kanyang bestfriend na si Mikoy Morales, natanong siya sa segment na “Talk or Dare” kung naranasan na niyang umasa na magkaroon ng relasyon sa isang co-star.
Parang nag-isip pa si Mikee nang maigi ang kanyang desisyon kung itsi-chika ba niya ito o hindi ngunit sa huli ay pinili na niya itong i-spill kung sasagutin naman ni Makoy kung sinong artista ang nakaalitan nito.
Sinagot ni Mikoy ang tanong kaya kailangan ring sagutin ng aktres ang tanong sa kanya ng King of Talk.
“Alam naman ni Paul ito,” panimula ni Mikee.
“Ito ba’y resolved na?” sundot ni Tito Boy.
Sagot ni Mikee, “Yes, we talked about it. Okay naman, we’re good friends pa rin.”
“Buong show, imagine niyo po, magkaka-tent kami, kaming tatlo (turo kay Mikoy). And nakilala ko yung pagkatao niya na sweet siya, mabait siya, kung gaano ka-genuine, sobrang God-fearing. And I just had to try to express whatever I was feeling, I couldn’t explain it so I did express, but it wasn’t reciprocated,” sabi ni Mikee.
Dagdag niya, diretsahan raw niyang sinabi ang feelings kay Alden at naging lesson naman ang nangyari sa kanya.
“Sinabi ko yon straight up. I think, ngayon nakikita ko na ang worth ng tapang ko. Hindi siya something na ikakahiya ko,” saad ng dalaga.