Napagitnaan si Kim Chiu ng men of few words sa latest project niyang Linlang.
Sa screening and grand mediacon para sa show, sinabi ni Kim na parehong hindi palakibo ang leading men niyang sina Paulo Avelino at JM de Guzman kaya naman siya ang nag-adjust nang todo.
“Si JM, hindi talaga siya nagsasalita. Mahilig lang siya sa Mobile Legend. Pero kapag inaya ko naman siya kumain minsan, pumapayag naman siya. Doon kami nagkukuwentuhan. Kapag ako ang nagyaya, nabababa naman niya ang Mobile Legend niya,” say niya.
“Si Paulo naman, hindi siya masyadong nagsasalita at never ko pa siiya nakatrabaho o naka-chance encounter sa mga party. May sarili siyang mundo. Doon ako natakot. Pero sobrang nice pala siya. Wala siyang (arte). Kasama naman siya kumain ng lunch and dinner. Parang open naman siya, basta kausapin mo lang siya. Ako lang ‘yung madaldal. Nagkukuwento lang ako. Ano siya, good listener. Kuwento lang ako ng kuwento tapos oo lang siya nang oo,”say naman ni Kim about Paulo.
Mapangahas na mga karakter ang bibigyang buhay nina Kim,Paulo at JM de Guzman sa bagong suspense-thriller series na likha ng ABS-CBN at Dreamscape, at eksklusibong ipapalabas sa Prime Video sa Oktubre 5.
Iikot ang kwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).
Sa pag-iimbestiga ni Victor kay Juliana, madidiskubre niya na hindi lang simpleng pangangaliwa ang ginawa nito.
Pero sa pag-ungkat niya sa katotohanan, mapipilitan siyang harapin ang mga pagkukulang niya at alamin ang halaga niya bilang lalaki at bilang asawa.
“Salamat sa tiwala and thank you [to Prime] for providing us a platform na maipalabas itong series na pinaghandaan talaga namin. Sobrang excited ako na mapanood siya worldwide,” pasasalamat ni Kim para sa pagiging parte niya sa panibagong collab serye ng ABS-CBN at Prime Video, pagkatapos ng “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.”
Makakasama rin nina Kim, Paulo, at JM ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada. Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.
Habang tinatahak ni Victor ang masalimuot na mundo ng pag-ibig, pagtataksil, at pagbabago, pipiliin ba niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Juliana o gumawa na lang ng bagong landas para sa kanyang sarili?
Alamin sa bagong suspense-thriller series ng ABS-CBN na “Linlang,” na ipapalabas sa Prime Video, na available sa Pilipinas at sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo, simula Oktubre 5.
***
Richard Gutierrez, masaya sa pagtaas ng viewership ng The Iron Heart
Labis ang pasasalamat ng cast ng “The Iron Heart” sa pangunguna ni Richard Gutierrez sa patuloy na pagtaas ng kanilang viewership na humigit na sa 400,000 live concurrent views at palagi nilang pagtre-trend sa social media kasabay ng kanilang nalalapit na pagtatapos.
Sey ni Richard, “We are very happy na tumagal ng ganito ang “The Iron Heart” Patuloy ang pagtaas ng views at pagsubaybay ng manonood. We started in an uphill battle, against all odds, and yet nandito kami ngayon ina-announce ang last two weeks after one year of doing this project. Maraming Salamat sa suporta ng manonood, ABS-CBN, at Star Creatives. We all worked hard for this, and we happy to announce that we are ending ‘Iron Heart’ on a high note.”
Proud naman si Jake Cuenca na sa kabila ng kanilang kinaharap na pagsubok ay nagbunga naman ang kanilang pinagtrabahuhan.
“We had a humble start and nag-climb and climb ang show. Sa tuwing nakakakita ako na tumataas ung views, nakaka-proud kasi we really worked hard for that,” saad ni Jake.
Sa nalalabing mga araw, mas lalo pa raw dapat kapitan ang serye dahil sinisiguro nilang ikakagulat ng manonood ang mga pasabog nilang eksena.
“We shot the tail end of the show and natuwa rin kami sa ending ng show. Expect fireworks, and we are going to give our best. I think it is going to surprise a lot of people,” sabi ni Richard.
Mula noong inilunsad ang serye, labis na sinubaybayan ng manonood ang journey ni Apollo (Richard) kaya naman umabot na sa lampas 600,000 milyon views ang serye sa lahat ng social media platforms.
Umani rin ng maraming papuri ang mga eksena at stars ng serye dahil sa pagpapalabas nito ng hitik na hitik na aksyon scenes na pwedeng makipagsabayan sa ibang bansa at ang pagsulong nito ng women empowerment sa pagpapakita na kaya rin makipagsabayan ng kanilang babaeng karakters sa umaatikabong fight scenes.
Sa nalalapit nitong pagtatapos, isang digmaan nga ang dapat abangan sa pagitan ng Tatsulok at Altare.
Tunghayan din kung paano pa rin pipiliin ni Apollo ang mas ikakabuti ng marami habang pinipigilan ang kasamaan ni Eros.