Nabangga ang van na sinasakyan ni Vice Ganda recently kaya naman he decided to buy a new car na talaga namang pangmalakasan ang presyo dahil it is a luxury car.
Nagpunta sa Pampanga ang It’s Showtime host kasama ang kanyang fashion designer na si Michael Leyva para doon bumili ng kanyang bagong sasakyan.
While there, Vice Ganda and Michael checked out a brand new BMW 735i Pure Excellence na nagkakahalag lang naman ng P8.99 million.
“Dahil it will take time bago magawa ‘yung sasakyan ko, mga ilang months, so kailangan natin ng panibagong service,” say ni Vice Ganda.
Actually, malaking gastos para sa It’s Showtime host ang bumili ng bagong sasakyan. Pero wala siyang choice dahil kailangan niya ng service vehicle para sa kanyang showbiz activities.
“Gastos po itong dinulot niyo sa buhay ko, sa pagkakabangga ninyo sa sasakyan ko. Ang laking abala, ang laking stress. At higit pa do’n ‘yung trauma, ‘yung pakiramdam na nabangga ka nasa loob ka ng sasakyan na malala, iba ‘yun,” say pa ni Vice Ganda.
Still, thankful pa rin si Vice Ganda dahil walang nangyaring masama sa kanya, ‘yun lang, naglabas siya ng milyones para makabili ng bagong sasakyan.
“Still, nagpapasalamat tayo sa Panginoon buhay tayo, mas mahalaga naman ang buhay kaysa sa mga materyal na bagay na ito. Mababawi naman natin ito kung pagtatrabahuhan pa natin. ‘Yun din ‘yung dahilan ba’t mahal na sasakya binibili namin, ‘yung safe talaga,” dagdag ng ng TV host.
Laway ni Dimples sumabog sa mukha ni Christian
Laugh kami nang laugh sa revelation ni Christian Vasquez sa finale mediacon ng “The Iron Heart”.
Natanong kasi ang lahat ng cast members kung ano ang memorable experience nila while doing the show na magtatapos na this month.
When it was his turn para magsalita, naloka ang lahat sa revelation ni Christian na gumaganap bilang Orcus na siyang ka-love team ni Selene na ginagampanan ni Dimples Romana.
“Memorable din ‘yung isang beses may eksena kami ni Dimples (Romana). Ang lapit ko sa kanya, bigla na lang natawa siya. Lahat ng laway niya pumunta sa mukha ko,” say ni Christian na pinalo-palo ni Dimples dahil katabi niya ito.
“Hindi, hindi, joke lang. Hindi naman lahat, konti lang,”biglang kambyo ni Christian.
“Para sa akin siguro,i-combine ko na siguro ang pagsama-sama namin sa breakfast, sa pool,sasauna, sa taping. I think ang pinaka-memorable dito is ‘yung relationship na na-build namin talaga. Mahirap isa-isahin kasi sobrang dami. Magkaiba kami ng ideas, ang ideologies namin ay magkaiba pero we have so much respect for each other na hindi kami nagkakaroon ng conflict kapag nagtatrabaho. Siguro minsan mero, normal lang naman ‘yon. We have so much respect at iyan siguro ang hindi ko makakalimutan at dadalhin ko habang buhay kasi iyon ang magiging dala-dala mo. Kasi siguro kung hindi kami ganyan, kung wala kaming respect baka puro gulo siguro kasi mahirap ang ginagawa namin,” paliwanag pa ni Christian.