Wala pala sa hinagap ng aktres na si Thea Tolentino ang pag-aartista noon dahil ang talagang pangarap niya ay maging madre.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, sinabi ng dalaga na gustung-gusto raw niyang maging madre noon dahil meron daw kasi siyangbninong na pari at ninang na madre.
Bukod dito, kapag daw tinatanong siya kung bakit nais niyang magsilbi sa Diyos ayaw dahil ayas din niyang magkaroon ng boyfriend o karelasyon.
“Pero bata pa po ako noon,” sabi ni Thea. “Idol ko po ‘yung ninang ko. Wala siyang ano…mapili siya sa mga karelasyon niya.”