Isang security guard ang naiulat na namatay matapos umanong madamay sa engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at isang motorcycle rider sa Caloocan City.
Ayon sa mga ulat, nagsasagawa umano ng checkpoint ang mga pulis sa Rizal Avenue nang dumaan ang rider na mabilis ang patakbo at nagtangkang lumusot.
Sa kuha ng CCTV, kitang natumba ang rider nang pigilan siya ng mga pulis. Maya-maya pa ay nauwi na sa barilan ang eksena.
Dead on the spot ang isang security guard ng bangko matapos siyang madamay sa barilan.
Wala pang impormasyon mula sa pulisya tungkol sa rider at nasawing guwardiya.