Inihayag ng National Food Authority nitong Martes na mas marami na umanong mga magsasaka na ang nagbebenta sa kanila ng mga inaning palay dahil sa pagpapataas sa bagong buying price o price range sa pagbili ng lokal na palay.
Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, kasunod ng naitala nila ang pagtaas ng bilang ng mga magsasakang lumalapit sa NFA upang magbenta ng inaning palay, kagaya ng Capiz, Palawan, at iba pa.
Kung matatandaan, unang inaprubahan ng NFA Council ang mas mataas na buying price na hanggng P23 kada kilo para sa tuyo o dry palay mula sa dating 21 habang P19 kada kilo para sa wet mula sa dating P16.
Kampante naman si Bioco na magtutuloy-tuloy pa ito, lalo na at malaki rin ang hawak nitong pondo para sa local procurement at ayon sa kanya, mayroong hawak ang naturang opisina na hanggang P8.5billion na pondo para rito.