Walang dapat ipagdiwang ang tinaguriang pork barrel scam queen Janet Lim Napoles dahil convicted pa rin siya sa iba pang mga kaso kahit inabsuwelto siya kahapon ng Sandiganbayan sa isang kasong plunder.
“Janet Lim Napoles cannot rejoice just yet as she has been convicted in some cases while being acquitted in other cases,” ayon kay InfraWatch convenor Atty. Terry Ridon.
Aniya, bagama’t madaling sisihin ang mga masasamang pribadong tao na nagsasagawa ng mga pakanang kriminal para sa pandarambong sa pondo ng bayan, hindi dapat kalimutan ng publiko ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa lahat ng mga kasong ito.
“While it is easy to pin the blame on malevolent private persons undertaking criminal schemes to plunder public funds, the public should not lose sight on the public personalities involved in all of these cases,” ani Ridon.
Kung siya ay nahatulan o napawalang-sala sa isang serye ng mga kaso sa ilalim ng kanyang mga katulad na tiwaling pakana, ito ay nangangahulugan lamang na tiyak ang ebidensiya upang mahatulan, na kulang sa mga kaso kung saan siya ay napawalang-sala.
“If she had been convicted or acquitted on a string of cases under her similar corrupt schemes, this can only mean that it was merely specific evidence to convict which was lacking in the cases in which she was acquitted,” giit ni Ridon.
Ang paghatol sa kanyang gulity sa iba pang mga kaso ay nagpapakita na ang kanyang mga iskema kasabwat ang mga opisyal ng pamahalaan ay naisakatuparan nila upang ibulsa ang pera ng bayan.
“Her convictions would show that schemes with high-level public personalities were in fact undertaken to capture public funds,” sabi ni Ridon.
Kahit gusto ng publikong makita si Napoles na nakabilanggo sa mahabang panahon, nais aniya ng InfraWatch na makita na mas maraming mahatulan na matataas na personalidad ng gobyerno na kasapakat niya sa scam.
“Inasmuch as the public would like her to remain imprisoned for an extended amount of time, we would like to see more convictions of high-level public personalities involved in the scam.”
Binigyan diin ni Ridon na hindi mananakaw ni Napoles mag-isa ang muliti-bilyong piso kung walang mga opisyal ng gobyerno na naggiya sa kanya patungo sa kaban ng bayan.
“Ms Napoloes could not have captured public funds without public personalities leading the way to the coffers,” anang InfraWatch convenor.
Inihayag kahapon ng Sandiganbayan na inabsuwelto ang “pork barrel scam queen” at si dating
Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Party-List Rep. Edgar Valdez sa kasong plunder kaugnay sa pagwaldas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay hinatulan naman sila sa ibang kaso.
Si Napoles ay convicted sa 9 counts of corruption of a public official habang si Valdez ay hinatulang guilty sa 9 counts of direct bribery, based on the dispositive portion of the decision na ipinakita sa ABS-CBN News.
Bawat isa sa kanila’y sentensyado ng mula 2 taon hanggang 4 buwan hanggang anim na taon at isang araw at inutusang magbayad ng multang P26,996,700.
Isang taon nakulong si Valdez at lumaya noong 2016 ay pinayagan ng Fifth Division na maglagak ng piyansa dahil ang napatunayan lamang ng prosecution ay P2.6 milyon lamang ang tinanggap ng mambabatas na kickback mula sa isang Napoles foundation.